Nakamit natin ang ating kalayaan nong Hunyo 12, 1898 dahil sa katapangang ipinakita ng ga bayani laban sa mga dayuhan. Ilang taon na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang digmaang ito tungo sa kalayaan. Marami na ring nakapagbuwis ng buhay upang itaguyod ang lahing Pilipino na may taglay na kalayaan at akapagsasabing "Pilipino Ako!"
Subalit ito nga ba ang ating nararanasan ngayon? Malaya nga tayo sa mga mananakop na dayuhan ngunit sapat na ba iyon upang sabihing malaya na tayong mga Pilipino? Malaya na nga tayo sa ga kamay nila ngunit hindi naman tayo malaya sa mga kurakot na namamahala sa ating gobyerno. Mapapansin natin na ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap. Ilang giyera at EDSA na rin ang pinagdaanan natin pero hindi pa rin tayo nawawala sa mga corruption na dinaranas natin sa ating bansa. Hanggang ngayon laganap pa rin ang mga sitwasyong ito sa ating bansa. Kaya naman sa hirap ng buhay nagyon ay maramt ng mga Pilipino ang nawawalan na ng pag-asa na maka-aangat pa sila sa buhay.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon ng mga Pilipino sa ating bansa upang makipagsapalran bilang mga OFW's, ang lumalalang corruption, panlilinlang ng mga namumuno sa ating pamahalaan at ang kahirapanng lalong lumalala at nararanasan ng iba nating kababayan ay maaaring patunay na hindi pa rin alaya ang mga Pilipino maging sa sariling bansa. kaya nga sana sa mga bagong nakaupo sa pwesto ay may sumingaw namn sanang konting liwanag na magbibigay ng pag-asa sa ating lahat. Pag-asang magbibigay sa atin ng lakas para sa magandang bukas. Sana'y matanggal na rin ang matagal ng nakagapos sa atin upang makaranas naman tayo ng lubos na kalayaan at taas noo na nating masasabing "PILIPINO AKO!"
No comments:
Post a Comment